Namatay ba si Hesus para sa akin?
Ako ay sawa na at pagod nang marinig:
"Mahal ka ni Jesus"
At ang isa pa:
"Iniligtas ka ni Jesus"
Ano ang kinalaman ni Hesus na namatay 2000 taon na ang nakakaraan sa akin? Siya ay isang Hudyo. At ako ay hindi. Matagal na siyang namatay. Sa gayon, ano ba talaga siya sa akin? Mayroon bang anumang relasyon sa pagitan namin ni Jesus?
Bigyan mo ako ng ilang sandali!
Hmm ! mukhang nalungkot ka! Hayaan mong hulaan ko. Maaaring binabasa mo ang artikulong ito sa iyong telepono o mobile phone. Ang mobile phone ay nakilala mga 20 taon na ang nakakaraan. Bago ang mobile phone, ang personal na” desktop computer “ay ang makabagong teknolohiya para sa pangkalahatang publiko noon pang 90s. Bago iyon, ang mga taong tulad ng may-akda nito ay kailangang gumamit ng malaking” mainframe computer” na tumitimbang ng humigit-kumulang limang tonelada upang makagawa ng computer programming. Ito ay isang napakalaki at nakakatuwang karanasan.
Nasaan ka?
Kung ating iisipin, ang modernong metropolis kung saan ka ipinanganak ay maaaring isang nayon ,ilang taon na ang nakalilipas kung saan may ilang taong naninirahan doon. Bago ito naging isang nayon, maaaring nagpalipat-lipat ang iyong mga ninuno sa liblib na lugar na iyon sa paghahanap ng mga kayamanang ginto o kung ano pa man. Ngunit, mga 2000 taon na ang nakararaan nasaan kaya ang iyong mga ninuno? Sa panahong iyon, ang populasyon ng tao ay humigit-kumulang 160 milyon sa buong mundo ayon sa ilang istatistika. Maaaring ang populasyon ay kaunti lamang at higit na mababa kung ikaw ay babalik sa nakaraan.
Dahil mahirap makuha ang eksakto at wastong istatistika, humiram na lang tayo ng biblikal na bilang para malaman ang populasyon ng mundo mga 6000 taon na ang nakakaraan. Sa panahong iyon, sinabi sa Bibliya na iisa lamang ang tao sa buong daigdig. Ang pangalan niya ay Adan. Nang di maglaon ay dumating na ang kanyang asawang si Eba. Kaya ngayon nakikita mo na halos nasa loob ka pa rin ni Adan noong panahong iyon at naghintay ng halos 6000 taon upang maipanganak sa malaking lungsod nang dumating ang iyong mga magulang upang manirahan. [a] Ito ay maaaring isang maikling kasaysayan mo, at ng kasaysayan ko din.
Sino ang naunang dumating?
Bago dumating si Adan sa eksena, mayroon ng mga anghel. Ang mga anghel ay nilikha ng Diyos upang maging mga espiritung tagapaglingkod. Sila ay isinugo upang maglingkod doon sa mga magmamana ng kaligtasan.” (Hebreo 1:14) “Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo,
Upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad.” (Awit 91:11) “Nang magkagayo'y iniwan siya ng diablo; at narito, nagsidating ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran. ( Mateo 4:11 ) At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng luklukan at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda; at ang bilang nila ay sampung libong tigsasampung libo at libolibo; 12 Na nangagsasabi ng malakas na tinig, Karapatdapat ang Cordero na pinatay na tumanggap ng kapangyarihan, at kayamanan, at karunungan, at kalakasan, at kapurihan, at kaluwalhatian, at pagpapala. 13 At ang bawa't bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi, Sa kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan man.14 At ang apat na nilalang na buhay ay nagsabi, Siya nawa. At ang matatanda ay nangagpatirapa at nangagsisamba. (Apocalipsis 5:11-14).
Anghel laban sa sangkatauhan
Mula sa itaas na mga talata sa Bibliya, At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.. ( Genesis 1:27 ) Hindi sinasabi ng Bibliya na nilalang ang mga anghel sa wangis ng Diyos. Tila nilikha ng Diyos ang tao upang magkaroon ng pakikisama sa Kanya. "Ang Dios ay tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin. (1 Corinto 1:9). At gayundin lumakad si Enoc na kasama ng Dios: at di siya nasumpungan, sapagkat kinuha siya ng Dios..” ( Genesis 5:24 ) Ang tanyag na talata sa Bibliya, “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” ng (Juan 3:16 ) na malinaw na ipinahihiwatig na mahal na mahal ng Diyos ang mga tao. Hindi tayo sigurado kung ito ay pareho sa mga anghel na nilikha niya. Iisipin ko na kung ang mga anghel ay ang mga tauhan ng militar, ang mga tao ay mga ordinaryong nilalang . Ibig sabihin, posibleng nilikha ang tao para mahalin ng Diyos.
Opisina sa Kagawaran sa Pangangalaga
Ang Diyos mismo ang pisikal na lumikha ng tao tulad ng isang iskultor sa kanyang likhang-kamay. Kaya, naglagay ang Diyos ng maraming pagsasaalang-alang at pagsisikap sa paggawa ng tao. Marahil ay matatawag natin itong ika anim na proyekto dahil ang tao ay nauugnay sa ikaanim na numero. Ang masalimuot na mga detalye ay hindi nakikita ngunit maaaring lubos na nasisiyahan ang Diyos nang ang taong nilikha niya ay nagkaroon ng buhay. Bilang isang manunulat ng kanta, batid ko ang tunay na damdamin tulad ng kapag ang kantang aking pinagsama-sama ay nagbibigay buhay na tila tunog ng kampana at pagkayas ng tunog sa kapaligiran. Tulad nang tungkol sa paglikha ng mga anghel, dahil ang mga anghel ay walang pisikal na katawan, maaaring iba ang paraan ng paglikha sa kanila. Nagbigay ba ang Diyos ng utos? "Magkaroon ng mga anghel?" Maaaring hindi natin ito alam. Ngunit alam natin na mahal ng Diyos ang taong nilikha niya mula sa alabok. Maaari mong isipin na ang mga mata ng Diyos ay kumikinang at may halong luha habang pinagmamasdan niya ang mukha ni Adan na ngayon ay humihinga habang nakapikit. Maaaring nagulat ang Diyos nang imulat ni Adan ang kanyang mga mata at tumayo mula sa mahimbing na pagkakatulog. At iyon ay ikinatuwa ng Diyos at siya ay tumawa nang malakas, "Ha ha ha ha!"
Ang lahat ng ito ay tila nagpapakita na mahal na mahal ng Diyos ang mga tao, at nais niyang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa kanya sa lahat ng oras. At nagkaroon sila ng ugnayan. Dati binibisita ng Diyos ang lalaki at babae sa hardin hanggang sa hindi pinansin ng lolo at lola na sina Adan at Eba, ang ipinagbawal ng Diyos kay Adan na huwag gawin ang isang partikular na bagay.
Ang kalituhan ng mga tao
Ang ilang mga tao ay nalilito tungkol sa kung ano ang ginawa nina Adan at Eba na laban sa kalooban ng Diyos. At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpakarami, at punuin ninyo ang lupa, ng inyong mga supling; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa. ( Genesis 1:28 ) Maraming tao ang nag-iisip na ang pakikipagtalik ay ang ipinagbabawal na bunga. Ngunit hindi ganoon. Ito ay may kinalaman sa paglabag sa utos ng Diyos na huwag kumain ng isang partikular na prutas. Ipinagbawal ng Diyos kina Adan at Eba ang pagkain ng prutas mula sa isang partikular na puno mula sa Halamanan ng Eden. Sina Adan at Eba ay nagpatuloy at kinain ang prutas dahil nahulog sila sa mapanlinlang na pananalita ni Satanas. Ang pagwawalang-bahala sa utos ng Diyos na iwasan ang pagkain ng prutas ay isang malaking usapin mula sa Diyos. Mula noon, ang relasyon sa pagitan ng Diyos at ng tao ay nasira. Imposibleng magkaroon ng normal at maayos na pagsasama sa pagitan nila. Maaari mong sabihin na sa ating panahon, lahat ay ginagawa ang anumang naisin nila. Sila ay sumusuway sa mga magulang sa lahat ng pagkakataon. Sa katotohanan, ang dahilan kung bakit mo iniisip na sa tamang paraan ang iyong ginagawa ito ay resulta ng pagsuway ni Adan. Sa kanya natin minana ang mga masasamang ugali. Ito ay nasa ating DNA. Ang pagsuway na iyon ay itinuturing na isang kasalanan.
Ang kabayaran ng kasalanan
Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.. (Roma 6:23) Mula nang maging matamlay ang relasyon ng tao sa Diyos, sinisikap ng Diyos na ayusin ang nasirang relasyon sa pagitan Niya at ng tao. Kung talagang magbabayad sina Adan at Eba para sa kanilang kasalanan, sila ay namatay na at ito na sana ang katapusan ng sangkatauhan.
Hindi maaaring hayaan ng Diyos na mamatay ang tao dahil mahal na mahal niya ito.Sinasabing nasa dugo ang ating buhay dahil kapag naubos na ang dugo ang tao ay mamamatay . Kaya, pinahintulutan ng Diyos ang tao na ibuhos ang dugo ng mga hayop sa kanyang lugar upang mabayaran ang kanilang kasalanan.
Ngunit nakakalungkot, huli na ang lahat. Ang kasalanan ay pumasok na sa buhay ng mga tao. Ibig sabihin,ang likas na pagiging makasalanan ng tao ay ipinasa mula sa henerasyon hanggang sa mga sumunod na henerasyon. Iyan ang dahilan kung bakit tayong mga tao ay makasalanan mula pa lamang sa ating pagsilang. Kahit na ang ilang mga hayop ay inialay upang maipagpatuloy ng tao ang pakikipag-ugnayan sa Diyos, hindi maiwasan ng tao na paulit-ulit na gumawa ng mga kasalanan. Dahil sa kanyang likas na pagiging makasalanan, ang mga dumadaloy na nakamamatay na kasalanan ay patuloy na bumubulusok mula sa kanyang kalooban. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan niyang mag-alay ng hayop ayon sa utos ng Diyos. Ngunit, imposibleng ganap na mawala ang mga kasalanan ng tao. Nagpatuloy iyon sa loob ng ilang libong taon.
Ang solusyon
Sa maikling kwento, ipinadala ng Diyos ang kanyang anak na si Hesus upang mamatay kapalit ng mga hayop. Ang katotohanan, si Jesus ay kusang bumaba sa lupa upang bayaran ang kaparusahan ng kasalanan ng mga tao ng buo ngayon at magpakailanman, Nasiyahan ang Diyos sa sakripisyo ni Hesus dahil siya ay isang perpektong 'kordero' na walang dungis. Pagkatapos ng lahat, ang Diyos ang nagtakda ng tuntunin na ang parusa ay dapat bayaran ng dugo. Kung ang Diyos ay nasiyahan, ito ay naging maayos. Mabuti na lang at nabuhay muli si Jesus pagkatapos niyang mamatay. Ibig sabihin, isang beses lang siyang namatay at muling nabuhay upang makaakyat siya sa langit, at ipaalala sa Ama ang kanyang dugo at mga bakas ng mga sugat ay nagpapaalala ng kaniyang pagbabayad ng kaparusahan. Kaya naman, ang walang hanggang ritwal na paghahain ng hayop ay natigil.
Mula rito natutunan natin na una, si Hesus ay namatay para sa iyo upang muli kang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa Diyos. Pangalawa, mahal na mahal ka ni Jesus kaya bumaba siya mula sa kalangitan upang bayaran nang buo ang utang ng iyong kasalanan na nagbigay-kasiyahan sa Diyos Ama.
Kaya, sa paniniwalang si Hesus ay namatay para sa iyo, ikaw ay naging ligtas sa kasalanan sa mata ng Diyos.Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay.." (1 Juan 5:12) Kung talagang naniniwala ka diyan, magkakaroon ka ng walang hanggang pakikipag ugnayan sa Diyos. Ibig sabihin ay karapat-dapat kang makarating sa lupain kung saan naninirahan ang Diyos. Ito ay isang napakagandang balita, hindi ba?
Kung naantig ka sa mensaheng ito, sabihin kay Hesus, "Salamat Hesus sa iyong pagkamatay para sa akin. Sumasampalataya ako sa iyo."
Karagdagang aralin
Naisip mo ba na si Hesus mismo ay Diyos? Halimbawa, mayroong isang lalaki na nagngangalang Mr. Smith na may anak na lalaki na nagngangalang Smith Jr. Makatuwiran din na ipalagay na dahil lalaki si Mr. Smith, at ang kanyang anak na si Smith Jr. ay lalaki rin. Kaya, maliwanag na ang Diyos Ama ay may anak na ang pangalan ay Hesus. Dahil ang ama ay Diyos, ang Anak ay Diyos din. Hmmm! Sabihin nating ito ay isang karagdagang kaalaman para sa pagbabasa ng artikulong ito.
Ikalawang karagdagang Aralin
Ang pangalawang karagdagang aralin ay ito: Nang likhain ng Diyos ang tao, sinabi niya,likhain ang tao ayon sa aking larawan. Nangangahulugan iyon na noong ginawa ka ng Diyos, si Hesus ay bahagi ng pangkat na nasa lugar kung saan ginagawa ang operasyon, na nakikibahagi sa paglikha sa iyo. Ibig sabihin, ang mismong Jesus na namatay para sa iyo ay Diyos at Siya ay isa sa mga doktor o mga siyentipiko na gumawa sa iyo. Hindi ba karapat dapat na magtiwala ka sa kanya?
Ang mga naniniwala kumpara sa mga hindi naniniwala
Ang paniwala ng "Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan" mula sa Roma 6:23 ay higit pa sa pisikal na kamatayan. Alam natin iyan dahil ang sabi ng Bibliya, "Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay.." ( 1 Juan 5:12 )
Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel.'" (Mateo 25:41)
" At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy." (Apocalipsis 20:15)
" Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios." (Juan 3:18)
------------------------
[a] Heb 7:10: Si Levi ay nasa katawan pa ng kanyang ninuno.