Pinong Ginto
Kahabag-habag na simbahan ng Laodicea
Ang simbahan ng Laodicea ay mayaman sa kanilang sariling paningin. Hindi sila nagkulang sa anumang material na bagay. Ngunit sa mata ni Hesus, sila ay mahirap. Bakit sila dukha sa mata ni Hesus? Bagama't mayaman sila sa mata ng tao, nang tingnan sila ng Diyos gamit ang espirituwal na mga mata, sila ay mahirap. Kaya naman, pinayuhan sila ni Hesus na bumili ng ginto na natunaw at dinalisay sa apoy. Bakit ginamit ni Hesus ang ideya ng gintong dinalisay ng apoy? Bakit hiniling ni Hesus na bilhin nila iyon mula sa kanya?
Dapat magkaroon ng pananabik para sa mga bagay na pinadalisay ng apoy
May mga bagay na wala nang halaga kapag sinunog sa apoy. Kapag ang ginto ay natunaw sa apoy, ang kalawang ay tinatanggal. Kapag nangyari iyon, sa halip na mabawasan ang halaga nito, ang pinong ginto ay nagiging mas mataas ang halaga. Samakatuwid, ang isa ay dapat lamang magkaroon ng pananabik para sa mataas na halaga kapag ito ay natunaw sa apoy. Ang mga materyal na bagay tulad ng pera, bahay, kotse, damit, pagkain, katawan ng tao ay nawawalan ng halaga kapag nasunog sa lupa. Bagama't ang mga bagay na ito ay kinakailangan para sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, walang sinuman ang dapat na mahumaling sa kanila. Sa halip na kasabikan ang mga ito, ang isa ay dapat na naghahanap ng gintong hindi nasisira o nabubulok . Isa ka ba sa mga naghahangad ng mga bagay na nabubulok lang? Ginugugol mo ba ang lahat ng iyong oras, kapangyarihan, at pera para sa lahat ng mga bagay na iyon? Ipinapayo ko sa iyo na maghanap ng ginto na hindi bumababa o nawawala ang halaga mula ngayon.
Si Hesus ang gintong dinalisay ng apoy
Sinabi ni Jesus na bumili ka sa akin ng ginto na dinalisay ng apoy. Ano nga ba ang gintong tinutukoy ni Jesus? Ang gintong dinalisay ng apoy ay si Hesus mismo. Bago ang kanyang kamatayan, si Hesus ay parang ginto na hindi dinalisay ng apoy, at pagkatapos niyang mamatay at muling mabuhay, siya ay parang gintong natunaw sa apoy. Siya mismo ang nagsabi nito; "Sa kahulihulihan at pinakadakilang araw ng pista, tumayo si Jesus at nagsalita sa malakas na tinig, "Ang sinumang nauuhaw ay lumapit sa akin at uminom. .”39 Sapagkat sinasabi sa kasulatan, mula sa puso ng nananalig sa akin ay dadaloy ang tubig na nagbibigay buhay. Ang tinutukoy niya ay ang espiritung tatanggapin ng mga nananalig sa kanya. Hanggang sa panahong iyon ay hindi pa ibinibigay ang Espiritu, yamang si Hesus ay hindi pa muling nabuhay at niluluwalhati. (Juan 7:37-39) .
Matalinghagang tinawag ni Jesus ang Espiritu na tubig. Ang pagkauhaw sa tubig na iyon ay nangangahulugan ng pagnanais na taglayin ang Espiritu. Ang sabi ng Salmista, "Kung paanong ang batis ay hanap ng isang usa, gayon ang aking uhaw na kaluluwa ay hinahanap ang Diyos. 2 Ang aking kaluluwa ay nananabik sa Diyos, sa buhay na Diyos walang iba. Kailan kaya maaaring sa presensiya mo ay sumamba?" (Awit 42: 1-2). Ang kaluluwa ng bawat isa ay nauuhaw sa Diyos. Dahil ang kanyang kaluluwa ay malungkot at hindi mapakali, Kaya't ang salmista ay patuloy na sumulat ng "Bakit, kaluluwa ko, ay nalulumbay ? Bakit ako ay nagdaramdam? Sa Diyos ako ay may tiwala sapagkat siya ay aking inaasahan" ( Awit 42:5 ) Ang dahilan ng kawalan ng kapayapaan at kawalan ng kasiyahan sa iyong buhay ay dahil ang iyong kaluluwa ay nauuhaw sa Diyos. Gayunpaman, dahil hindi alam ng tao kung ano ang ikinauuhaw ng kanyang kaluluwa, patuloy siyang naghahanap at naghahangad ng mga makamundong bagay, pera, materyal na kayamanan, posisyon, at kapangyarihan, bahay, kotse, damit, pagkain, kasiyahan, droga, at kanyang mga libangan. Sa kabila ng mga bagay na ito, hindi pa rin siya makuntento. Nais kong ipaalam sa iyo na dapat kayong mauhaw sa Diyos lamang.
Walang kaluwalhatian bago namatay si Hesus
Si Jesus ay walang kaluwalhatian bago siya namatay, ito ay nasusulat sa Bibliya, "Pagkatapos ay dinala ng mga kawal ng gobernador si Jesus sa Pretorio at tinipon ang buong pangkat ng mga kawal sa palibot niya. 28 Hinubaran nila siya at sinuot sa kanya ang isang balabal, 29 at pagkatapos ay pinilipit ang isang koronang tinik at inilagay sa kaniyang ulo, at nilagyan nila ng tungkod ang kaniyang kanang kamay, at sila'y lumuhod sa harap niya, at nilibak siya, na nagsasabi, "Mabuhay, Hari ng mga Judio!" 30 Siya'y niluraan nila, at kinuha ang tungkod, at paulit-ulit na hinampas sa ulo, 31 Pagkatapos nilang kutyain, hinubad nila ang balabal at isinuot sa kanya ang sarili niyang damit, at dinala nila siya upang ipako siya sa krus.
" (Mateo 27:27-31).Ang dahilan kung bakit maaaring kutyain si Jesus ay dahil hindi niya ginamit ang kanyang kaluwalhatian.
Ang may kaluwalhatian pagkatapos ng muling pagkabuhay
Matapos mamatay ang Panginoong Jesus, sa madaling salita, pagkatapos niyang dalisayin ng apoy at bumangon mula sa kamatayan, muli siyang napuspos ng kaluwalhatian. Sinabi ni Juan sa Aklat ng Pahayag na ang mga paa ni Jesus ay parang tansong kumikinang na pinakintab. (Pahayag 1:15). Nakaramdam si Jesus ng gutom bago siya namatay. Kinabukasan, habang papaalis sila sa Betania, nagutom si Hesus. ( Marcos 11:12 ). Nakaramdam siya ng pagod: Naroon ang balon ni Jacob, at si Jesus, ay napagod sa paglalakbay (Juan 4:6). Ang mga tao ay hindi natatakot sa kanya. Tinutuya siya ng mga tao bilang isang taong inaalihan ng demonyo (Juan 7:20, Juan 10:20) at isang Samaritano (Juan 8:48). Si apostol Juan ay humiga sa kanyang kandungan (Juan 13:23, Juan 21:20). Ngunit nang makitang muli ni Juan si Hesus sa kanyang kaluwalhatian, natakot siya ng lubusan.(Pahayag 1:17). Ang muling nabuhay na Panginoong Jesus ay may espirituwal na katawan at hindi na niya kailangan ng pagkain. Siya ay may maluwalhating katawan na maaaring mawala. Samakatuwid, maaari siyang tawaging ginto na dinalisay ng apoy.
Ang pagiging kontento nang wala si Hesus
Ang simbahan ng Laodicea ay mahirap dahil wala si Hesus na siyang gintong dinalisay ng apoy. Bakit wala siya sa kanila? Si Jesus ay wala sa simbahan ng Laodicea. Sinabi ni Jesus, "Narito ako! Ako'y nakatayo sa pintuan at kumakatok. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok at kakain kasalo ninyo." ( Pahayag 3:20 ). Ang simbahan ng Laodicea ay nasisiyahan kahit na si Hesus ay wala sa kanila. Sabi ng simbahan ng Laodicea' Ako ay maunlad, nasa akin na ang lahat, wala akong kailangan pa.' Katulad ka ba ng simbahan ng Laodicean na kuntento nang wala si Hesus sa iyong buhay? Narinig ba ng simbahan ng Laodicean si Jesus na kumakatok sa pinto? Kung ginawa nilang pagbuksan sana siya ng pinto at pinapasok siya. Bakit hindi nila binuksan ang pinto? Hindi kasi nila narinig ang katok. Naririnig mo rin ba si Hesus na kumakatok sa pintuan ng iyong puso? Hindi siya maririnig ng mga bingi sa espirituwal. Ang taong nagnanasa sa mga makamundong bagay ay hindi makakarinig ng katok sa pinto.
Hindi bilang panauhin kundi bilang taga pangasiwa o punong abala
Bakit binabanggit ni Hesus ang pagsalo sa hapagkainan kasama ang nagbubukas ng pinto? Pagpasok niya, ayaw niyang pumasok sa bahay bilang bisita. Gusto lang niyang pumasok bilang taga pangasiwa o punong abala. Karaniwan, ang pagkain ay hindi inihahanda ng mga bisita. Ang punong abala lang ang kadalasang nag-aayos ng pagkain. Maraming nagpapakilalang Kristiyano ang nasisiyahan kahit na hindi nila tinanggap si Hesus. Nakakapit sila sa mga makamundong bagay tulad ng tahanan, kotse, at pera. Kuntento na sila sa kanilang pagmamay aring kayamanan. Kung ang gusali ay maganda, o kung ang simbahan ay may malaking bilang ng mga miyembro at napakaaktibo, ang mga tao ay lubos na nasisiyahan kahit na si Hesus ay wala sa simbahan.
Maraming mga ipinanganak muling mga Kristiyano ang tumanggap kay Hesus ngunit siya ay sapilitang pinaupo sa sala. Pinananatili siya sa sala sa loob ng maraming taon bilang panauhin nang hindi siya tinatanggap bilang kanilang Panginoon. Hindi nila pinahihintulutan siyang mamuno sa kanilang buhay ngunit namumuhay ng kanilang sariling buhay ayon sa kanilang sariling kagustuhan. Samakatuwid, kahit na matapos na sila ay maligtas, walang palatandaan na may epekto si Hesus sa kanilang buhay. Namumuhay sila na katulad ng mga hindi tumanggap kay Hesus. Dahil dito, sinabi ni Pablo, “Kaya nga huwag kayong maging mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.” (Efeso 5:1) Gayunpaman, namumuhay sila ayon sa kanilang sariling mga pagnanasa.
Nais ni Pedro ang mga makamundong bagay
Sinabi ni Pedro, “Iniwan namin ang lahat para sumunod sa iyo! Ano ang magiging para sa amin?” Sinabi sa kanila ni Hesus, "Sasabihin ko sa inyo ang katotohanan, sa pagbabago ng lahat ng mga bagay, kapag ang Anak ng Tao ay naupo sa kaniyang maluwalhating trono, kayong mga sumunod sa akin ay uupo rin sa labindalawang trono, na hahatol sa labindalawang lipi ng Israel. 29 At ang bawat isa na nag-iwan ng mga bahay o mga kapatid na lalaki o mga kapatid na babae o ama o ina o asawa o mga anak o mga bukid alang-alang sa akin ay tatanggap ng isang daang ulit at magmamana ng buhay na walang hanggan.” (Mateo 19:2-29) Tinanong iyon ni Pedro dahil umaasa siya para sa kanyang kinabukasan, mga bagay na maaaring sirain ng apoy sa unang lugar.
Si Pedro ay may gintong dinalisay ng apoy
Gayunpaman, pagkatapos ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus sa araw ng Pentecostes, tinanggap ni Pedro si Hesus na natunaw sa apoy. Nang makita ng isang lumpo sina Pedro at Juan na papasok na sana sa templo, humingi siya sa kanila ng pera. 4 Tumingin sa kanya si Pedro, gayundin si Juan, pagkatapos ay sinabi ni Pedro, "Tingnan mo kami!" 5 Kaya't tiningnan sila ng lalaki, na umaasang may makukuha sa kanila. 6 At sinabi ni Pedro, "Wala akong pilak o ginto, ngunit kung ano ang nasa akin ay ibibigay ko sa iyo. Sa pangalan ni Jesukristo ng Nazareth, lumakad ka.” 7 Hinawakan siya sa kanang kamay at tinulungan siyang makatayo, at kaagad na lumakas ang mga paa at bukung-bukong ng lalaki. 8 Tumalon siya at nagsimulang maglakad. At siya'y sumama sa kanila sa loob ng templo, habang lumalakad, tumatalon, at nagpupuri sa Dios. (Mga Gawa 3:3-8)
Si Pedro ay walang makamundong ginto at pilak. Si Jesus lamang ang mayroon siya, na siyang ginto na natunaw at dinalisay. Gamit ang bagong pagmamay ari na ginto, itinayo ni Pedro ang pilay mula sa kanyang paghihirap. Kung ibinigay sa kanya ni Pedro ang ginto ng makamundong ito, ang taong iyon ay hindi gagaling. Ngunit nang ibigay niya si Jesus ang dalisay na ginto, ang mga lumpo ay hindi na kailangang humingi pa. Siya ay ganap na gumaling. Ang kailangan ng pasyente ay hindi ginto at pilak, kundi si Hesus na Panginoon. Ang kailangan mo rin ay hindi makamundong kayamanan, kundi si Hesus.
Gamitin si Hesus
Ibinigay ng amo sa kanyang empleyado ang tarheta ( credit card ) ng kumpanya upang magamit upang magawa ang trabaho kung kinakailangan. Ang tarheta (credit card) na iyon ay gagamitin sa pagrenta ng kotse, pagbili ng gasolina, o pamimili ng pagkain. Ngunit kung nabigo siyang gamitin ang tarheta, hindi niya maisasakatuparan ang mga gawain. Sa parehong paraan, ibinigay ni Kristo ang kanyang sarili para sa lahat ng ating pangangailangan. Dahil sa kakulangan natin sa kaalaman, hindi natin siya ginamit. Kaawa-awa tayo! Nang sumunod ang mga alagad kay Hesus, wala silang ikinabahala sa buhay. Ibinigay sa kanila ni Hesus ang saganang pagkain. Sila ay naging malusog. Nang salakayin sila ng mga Pariseo, pinrotektahan sila ni Hesus na parang isang malaking pader. Pinatigil din ni Hesus ang unos sa dagat para sa mga disipulo. Hindi rin nila kailangang matakot sa masasamang espiritu. Si Hesus ang lahat para sa kanila. Si Hesus din ba ang lahat para sa iyo? Ginagamit mo ba si Hesus sa iyong buhay? Kung hindi mo pa nagagawa, simulan mo nang gamitin siya ngayon.