Magtatagal ba ito magpakailanman?
Ang tao ay parang damo
Ito ang sinasabi ng bibliya, "Sabi ng isang tinig, "Magpahayag ka." At sinabi ko, "Ano ang aking ipapahayag ?" “Ang lahat ng tao ay parang damo, at ang lahat ng kanilang katapatan ay gaya ng mga bulaklak sa parang.Natutuyo ang mga damo. Kumukupas ang mga bulaklak, kapag sila ay mahipan ng hanging mula sa Diyos. Tunay ngang ang tao ay parang damo.Ang damo ay nalalanta at kumukupas ang mga bulaklak ngunit ang salita ng ating Diyos ay nananatili magpakailanman." (Isaias 40:6-8)
Sinabi ng Diyos na ang lahat ng tao ay parang damo. Ang tao ay parang damo na hindi mabubuhay ng matagal. Ang isang tao ay hindi mabubuhay ng maraming taon. Sinabi ni Moises, "Ang ating mga araw ay maaaring umabot ng pitumpung taon, o walumpu, kung ito ay kakayanin pa ng ating lakas ; gayon ma'y ito ay puno ng dusa at kalungkutan, sapagka' tayo ay mabilis na lumilipas, at tayo ay lumilipad." (Awit 90:10) Kahit na alam ng tao na siya ay mabubuhay lamang hanggang pitumpu o walumpung taon lamang ang pinakamatagal, hindi niya ito iniisip ng seryoso. Kung ang isang tao ay nabubuhay nang ganoon katanda, karaniwan niyang nararamdaman na wala ng kabuluhang magpatuloy ang kaniyang buhay. Ang naiisip niya ay ang buhay na ito ay hindi na tulad ng dati. Sinabi ni Moises, ang tao ay maaaring mabuhay ng pitumpung taon, o walumpu, kung ang kanyang lakas ay mananatili, ang lahat na natitira ay pagdurusa at kalungkutan. Ito ay tunay na totoo. Kung ang isang tao ay umabot sa edad na walumpu, wala na siyang kapasidad na kumilos ng mabilis na pisikal at mental. Hindi na gugustuhin ng mga pabrika at opisina na tanggapin siya upang magtrabaho. Gayunpaman, dahil hindi ito nauunawaan ng tao, naghahanap pa rin siya upang matupad ang hinihingi ng kanyang pisikal na katawan. Nagpapatuloy iyon hanggang sa siya ay mamatay.
Sabi ng Diyos, ang kaluwalhatian ng tao ay parang bulaklak sa kagubatan. Ang pagsusumikap sa pagkakaroon ng edukasyon, digri at karangalan ay mga ligaw na bulaklak lamang. Totoo rin ito para sa kagandahan at katanyagan. Gayunpaman, na may malaking pag-asa para sa mga bagay na iyon, ang mga tao ay nagsusumikap pa rin na makamit ang mga layuning ito. Kahit na nakikita nila ang mga taong may edad na ay hindi na maaaring maging kapaki-pakinabang, hindi pa rin nakikita at natutunan ng mga tao ang mga aral. Samakatuwid, sinusubukan ng mga tao ang kanilang makakaya upang maabot ang kanilang ninanais na layunin. Ito ay nakakalungkot.
Ngunit isinulat ni Moises: "Turuan mo kaming bilangin ang aming mga araw, upang magkaroon kami ng pusong may karunungan." ( Awit 90:12 ) Ano ang ibig sabihin ng bilang (o pagbilang) ng mga araw ng isa? Alam ng lahat kung paano bilangin ang kanyang edad. Ang ibig sabihin ni Moises ay para sa tao na gugulin ang kanyang buhay nang produktibo. Paano ginagamit ng isang tao ang kanyang buhay nang produktibo at epektibo? Maaaring gamitin ng isang tao ang kanyang buhay sa pamamagitan ng paggugol ng kanyang oras ayon sa kalooban ng lumikha sa kanya. Itinakda ng Diyos na ang buhay ng tao ay pitumpu't walumpung taon. Ngunit ang haba ng buhay na iyon ay para lamang sa kanyang pisikal na katawan. Mas mahaba ang buhay ng espiritu ng tao. Sa katunayan, ito ay walang hanggan. Habang ang tao ay nabubuhay sa kanyang pisikal na katawan, kailangan niyang piliin ang lugar kung saan ang kanyang espiritu ay mabubuhay magpakailanman. Ngunit hindi nauunawaan ng tao ang payo ng Diyos at hindi niya ito tinatanggap. Bagaman sinasabi na ang inaasahang buhay ng katawan ay pitumpung taon, hindi lahat ay mabubuhay nang ganoon katagal. Ang pagkamatay ng katawan ng tao ay maaaring magsimula sa loob ng sinapupunan ng kanyang ina at maaari itong mangyari sa anumang sandali ng kanyang buhay. Dahil ang pisikal na buhay ng isang tao ay maaaring magwakas anumang oras, mahalagang bago pa man ay piliin na ng tao ang lugar kung saan ang kanyang espiritu ay mananatili magpakailanman.
Ang matatalino at yaong may espirituwal na mga mata, ay pinipili ang walang hanggang buhay na ibinigay ng Diyos bago ang katapusan ng kanilang pisikal na buhay. Ang buhay na walang hanggan ay hindi gawa ng sarili. Magkakaroon lamang nito kung ibibigay ito ng Diyos sa tao. Sinabi ni Kristo, "Ano ang pakinabang para sa isang tao na makamtan ang buong sanlibutan, gayunma'y nawala ang kanyang kaluluwa? O ano ang maibibigay ng sinuman bilang kapalit ng kanyang kaluluwa?" ( Mateo 16:26 ) Gayunman, karamihan sa mga tao ay hindi nagbibigay-pansin sa babala ni Kristo. Sa halip na isipin ang buhay ng kanilang mga kaluluwa, sila ay nananatiling makamundo. Dahil abala siya sa mga bagay sa mundo, walang pakialam ang tao sa kapakanan ng kanyang espiritu. Gaano kalungkot, kahabag-habag at kakila-kilabot!. Sana ay piliin ng lahat ang buhay na walang hanggan bago pa matapos ang kanyang walang katiyakang pisikal na buhay.
Ang katawan ay alikabok lamang
Sinabi ng salmista, "Kung paanong ang Ama ay nahahabag sa kaniyang mga anak, gayon ang Panginoon ay nahahabag sa mga may takot sa kaniya; sila'y namumulaklak na parang bulaklak sa parang: 16 Ang hangin ay umiihip sa ibabaw nito at ito'y nawawala, at nalalagas.At ang kaniyang kinaroroonan ay hindi na naaalaala pa.17 Ngunit mula sa walang hanggang ang pag-ibig ng Panginoon sa may takot at pagmamahal sa kaniya, at ang matuwid niyang gawa aywala ring katapusan.—" (Awit 103:13-17)
Sinabi ng salmista na ang katawan ng tao ay alikabok lamang. Ang katawan ay ang takip, at ang buto o ang ubod o sentro ay ang espiritu. Bakit ang lahat ay mahilig sa takip o panlabas lamang, at hindi nabubuhay para sa ubod na kanilang espiritu? Ang dahilan ay dahil hindi nila alam ang ubod o sentro. Dahil ang mga tao ay espirituwal na bulag, sila ay nagbibigay ng labis na priyoridad sa kanilang katawan. Sa katotohanan, ang tunay na pagkatao ng isang tao ay ang kanyang espiritu. Kahit gaano mo pa alagaan ang iyong katawan, manghihina ito balang araw. Ngunit ang espiritu ay mabubuhay magpakailanman. Samakatuwid, nais kong payuhan ka na mamuhay para sa iyong espiritu na mabubuhay magpakailanman. Kaya, mula ngayon, magtrabaho at mabuhay tayo para sa tanging bagay na magtatagal magpakailanman?